Paano kumuha o magrenew ng NBI clearance?

Maari kang tulungan ng iyong recruitment agency na kumuha ng NBI clearance pero narito ang ilan sa mga options kung nais mo itong gawin sa iyong sarili.

Kung ikaw ay nasa ibang bansa, makikita mo ang higit pang mga detalye dito. May dalawang paraan kang pwedeng gawin. Narito ang mga general na hakbang:

Option 1: Sa pamamagitan ng Authorized Representative

  1. Kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento.
  2. Kumuha ng Online Appointment dito:
  3. Ipasa ang mga dokumento as NBI.
  4. Pagrelease ng iyong NBI Clearance
Tinatanggap lamang ng NBI ang mga nakakuha ng schedule sa online appointment system.

Option 2: Walang Authorized Representative.

  1. Kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento.
  2. Kumuha ng Online Appointment dito:
  3. Antayin ang pagrelease ng iyong NBI Clearance.

Ang NBI clearance ay valid lamang ng isang (1) taon.

Kung ikaw ay nasa Pilipinas, maari mo itong magawa ng mabilis at madali gamit ang ultimate guide na ito: Narito ang ilan sa mga general steps na maari mong sundan:

  1. Magregister sa NBI Clearance Online Services website.
  2. Maglog in sa iyong account at kumpletuhin ang registration process.
  3. Kumuha ng schedule sa NBI.
  4. Bayaran ang NBI clearance fee na nagkakahalaga ng Php 155 sa mga available na payment centers online, offline at over the counter (Maari magcharge ng service fee ang iyong mapipiling payment center)
  5. Pumunta sa NBI Clearance center para sa pagkuha ng iyong larawan at fingerprint biometrics.
  6. Antayin ang pagproseso para ma-claim ang iyong NBI clearance sa araw ding iyon.

Dahil ang bagong NBI clearance ngayon ay "multi-purpose" na, ang green na NBI clearance (pre-2014) para sa overseas employment ay wala ng bisa at hindi na ipinapamahagi.

​Kung sakaling hindi mo nahanap ang sagot na hinahanap mo, huwag mag-atubiling makipag-usap sa amin sa pamamagitan ng pag-click ng Contact button sa itaas.

How did we do?

Gaano katagal ang pagproseso ng visa?

Paano ako makakuha ng Philippine Passport?

Contact