​Bakit hindi ko nakikita ang phone number ng employers?​

Nids Esplana Updated by Nids Esplana

Hindi maaring makita agad ang phone number ng employers. Hindi rin nila nakikita agad ang phone number niyo. Upang masigurong ligtas ang personal privacy ng mga gumagamit ng HelperChoice, hindi namin ibinabahagi ang contact details basta-basta.

Kung interesado ka mag-apply ng trabaho sa website, ito ang mga hakbang upang ma-contact ang employer:

  1. I-click ang job ad.
  2. I-click ang "Contact" sa ibaba.
  3. I-type ang iyong message at i-send

Siguraduhing magpakilala at magpakitang gilas sa iyong mensahe. Sasagutin ka ng employer kung sakaling akma ang iyong profile sa kanila hinahanap.

Payo: bago makipag-ugnayan sa employers, kailangan mo munang mag-register at gumawa ng profile. Kung hindi mo pa ito nagagawa, sign up here.

Para sa karagdagang detalye, pwede mo ring panoorin ang video na ito:

Kung hindi mahanap ang sagot sa iyong tanong, maaari rin kaming makausap sa contact@helperchoice.com.

How did we do?

Tinatanggap ba ang mga Lalaking Aplikante?

​Bakit hindi ako tinatawagan ng employers? ​

Contact