Paano ako makakuha ng Domestic Work NCII training certificate sa TESDA?

Ruby Updated by Ruby

Kapag mayroon ka ng employer, maari kang i-refer ng iyong recruitment agency sa isang TESDA accredited training center. Narito ang ilang mga gabay kung nais mong gawin ito sa iyong sarili:

Qualifications:

  • Edad ay dapat 18 taong gulang o higit pa
  • Nakapagtapos ng high school
  • Walang criminal records
  • Malusog at malakas ang pangangatawan

Training Requirements

  • 3 kopya ng passport
  • Propesyonal na ID photos, colored at may puting background
  • Police Clearance / NBI Clearance
  • Birth Certificate mula sa PSA
  • Medical certificate na ikaw ay handa sa pagsasanay
  • High school report card / Diploma / Transcript of records
  • Training Kit - apron, rubber gloves, hairnet, face mask, notebook, pen
  • Training fee mula Php 5000 hanggang Php 8000, depende sa assessment center.

Training

Ang pagsasanay ay tatagal ng 22 days at sumasaklaw sa mga pangunahing kakayahang ito:

  1. Paglilinis ng sala, kainan, kwartong tulugan, banyo at kusina.
  2. Paglalaba at pagplantsa ng mg damit, linens at iba pang gamit na tela.
  3. Paghahanda ng mainit at malamig na pagkain.
  4. Paghain ng pagkain at mga inumin

Pagkatapos ng training, ikaw ay makakatanggap ng Certificate of Completion mula sa training center at kailangan mo ng maghanda para sa iyong assessment.

Assessment

  1. Pumunta sa TESDA Accredited Assessment Centers / TESDA District or Provincial Office upang mag-apply sa assessment. See the list here:
  2. Dalhin at ipasa ang sumusunod na requirements:
  • Nasagutang Application Form
  • Nasagutang Self-assessment guide para sa Domestic work NCII
  • Tatlong (3) colored at passport size na larawan na may puting background at may may pangalan sa harapan.
  1. Bayaran ang Php 1000 Assessment fee sa cashier's office at siguraduhing makakuha ng Official Receipt at Admission Slip.
  2. Ipakita ang iyong Admission slip at isang valid-government issued ID sa natakdang araw at lugar ng assessment.
  3. Ang mga aplikante ay itatalaga sa isang TESDA certified Assessor at isa-isang susuriin sa apat (4) na pangunahing kakayahan. Ito ay karaniwang tatagal ng 4-5 oras bago matapos.
Hindi ka tatanggapin sa assessment kung hindi mo maipapasa ang Admission slip.
  1. Pagkatapos ng assessment, lalabas ang Competency Assessment Result Summary (CARS) kung saan ito ang mga resulta:
  • Competent - Nakapasa at tatanggap ng national certificate
  • Not yet competent - Hindi nakapasa at kinakailangang dumaan muli sa kabuuan ng training at assessment.
  • Certificate of competency - Hindi naipasa ang lahat ng pangunahing kakayahan. Kinakailangang magsanay at ma-assess muli sa mga kakayahang ibinagsak.
  • Reassess - Kinakailangang ma-assess muli sa mga kakayahang hindi nagawa ng maayos.
  1. Ang mga nakapasa sa assessment ay kinakailangang mag-apply ng certificate sa TESDA District / Provincial Office kung saan nasasailalim ng hurisdiksyon ang assessment center.
  2. Ang National Certificate (NC)/Certificate of Competency (COC) ay maaring makuha sa loob ng pitong (7) araw ng trabaho.
Kailangang ipakita ang assessment Results (CARS), Official receipt at iyong valid government-issued (ID) upang ma-claim ang National Certificate/Certificate of Competency (COC).

Ang TESDA NCII Domestic Work NCII certificate ay valid ng limang (5) taon at required ng POEA para sa pagpapalabas ng Overseas Employment Certificate OEC.

Maaring ma-renew ang certificate matapos ang limang taon. Tignan ang gabay sa pagrenew dito:

Kung sakaling hindi mo nahanap ang sagot na hinahanap mo, huwag mag-atubiling makipag-usap sa amin sa pamamagitan ng pag-click ng "CONTACT' button sa itaas.

How did we do?

Gaano katagal ang pagproseso ng visa?

Contact