Paano sumulat ng Magandang Panimula Tungkol sa iyong Sarili?
Updated by Ruby
Paano sumulat ng Magandang Panimula Tungkol sa iyong Sarili?
Sa pagbuo ng iyong profile, kinakailangan mong ilarawan ang iyong sarili at ipakita ang mga katangiang sa tingin mo ay pinakamahalagang malaman ng employer.
Ang mabubuting katangiang madalas na hinahanap ay mapagkakatiwalaan, malinis, mapagpasensiya at may edukasyon o degree sa nursing. Huwag ding ulitin ang impormasyon na kasama na sa iyong profile. Halimbawa, ang pagsasabi ng "Ang pangalan ko ay Maricel, mula sa Pilipinas" ay hindi kapaki-pakinabang dahil ito ay makikita na sa iyong profile. Iwasan ang pagsulat ng mga bagay tulad ng: "Naghahanap ako ng isang employer" - alam nating lahat ito dahil ikaw ay nasa HelperChoice!
Subukang idetalye ang iyong mga personal na katangian - Ikaw ba ay mapagpasensya? Mabilis matuto? Magaling magturo at makakatulong sa pag-aaral ng isang bata? Ipaalam ito sa iyong future employer sa pamamagitan ng pagsulat ng nakahihikayat na panimula. Maari ding ipaalam ang iyong mga libangan at interes maliban sa mga katangian mo sa trabaho.
Mabuti ding magbigay ng higit pang impormasyon tungkol sa iyong mga karanasan sa trabaho kagaya ng edad ng iyong inalagaang bata at lahat ng responsibilidad na iyong ginampanan.
Huwag magbibigay ng anumang personal na detalye kagaya ng iyong buong pangalan, contact number, mga pangalan ng miyembro ng iyong pamilya o ang pangalan ng dating employer.
Gumamit ng wastong grammar upang mas madali itong mabasa at maintindihan. Naiintindihan namin na maaaring mahirap mag-type gamit ang iyong cellphone, ngunit huwag gamitin ang ",,," o ".." bilang isang bantas, at gumamit ng tamang capitalization kung saan naangkop.
Kung hindi mahanap ang sagot sa iyong tanong, maaari rin kaming makausap sa contact@helperchoice.com.