Paano ako maghahanda para sa Pre-employment medical examination?

Ruby Updated by Ruby

Bago ang pagproseso ng iyong visa, kailangan mong dumaan sa isang medical examination mula sa DOH-accredited clinics upang masiguro na ang iyong kaisipan at pisikal na pangangatawan ay akma at handa sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Ito din ay isang sa mga requirement para maproseso ang iyong Overseas Employment Certificate (OEC).

Ilan sa mga karaniwang dahilan ng hindi pagpasa sa medical examination ay mataas na presyon ng dugo, mataas na heart rate o blood sugar at ilang impeksyon. Siguraduhing makakuha ka ng fit to work” clearance sa pamamagitan ng mga tips na ito:

  1. Matulog ng hindi kukulanging ng 8 oras sa loob ng tatlong araw bago ang iyong medical examination.
  2. Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated.
  3. Iwasan ang mga nakakapagod na ehersisyo, pag-inom ng kape o anumang caffeinated na produkto at maalat na pagkain.
  4. Iwasan ang pagkain sa loob ng 10-12 na oras.
  5. I-schedule and medical exam 3-5 araw matapos ang huling araw ng iyong buwanang dalaw upang maiwasan ang pag-ulit dahil sa hindi akmang resulta.

Panatilihing healthy ang iyong diet at maging aktibo upang matiyak ang pinakamagadang resulta!

Kung sakaling hindi mo nahanap ang sagot na hinahanap mo, huwag mag-atubiling makipag-usap sa amin sa pamamagitan ng pag-click ng "CONTACT' button sa itaas.

How did we do?

Paano ako makakuha ng Philippine Passport?

Contact