Paano ko magagawa ang aking Ad?
Pumunta lang sa www.helperchoice.com, i-click ang Login at ilagay ang iyong email address at password o piliin ang Facebook kung ito ang iyong ginamit sa pagregister.
Pagdating sa iyong Home page, i-click ang pababang arrow sa tabi ng iyong pangalan at i-click ang "Publish an Ad".
Ito ang window na iyong makikita matapos i-click ang "Publish an Ad". Dito mo maaring tukuyin ang iyong mga pangangailangan!
Ang paggawa ng Job ad ay nahahati sa tatlong parte:
- Ipakilala ang iyong sarili
- Detalye ng gusto mong trabaho
- Iyong mga karanasan
Ipakilala ang iyong sarili
Ilagay ang iyong pangalan, contact information, larawan na may malinaw na background at walang makapal na make-up, educational background at mga lenggwahe na kaya mong isalita.
Detalye ng gusto mong trabaho
Piliin ang uri ng trabaho - full-time at stay-in lamang ang pinapayagan para sa mga banyagang kasambahay. I-click ang Next
Ilagay din ang detalye ng mga gusto mong kondisyon sa trabaho kagaya ng sahod, araw ng day-off, tulugan at bansa an gusto mong applyan. I-click ang Next
Ipakilala ang iyong sarili! Ilagay ang mga karanasan at mga kakayahan mo bilang kasambahay. I-click ang Next.
Tukuyin ang petsa kung kelan ka maaring magsimula
At panghuli sa My Ad, pillin ang nais mong araw ng pahinga, laki ng bahay at maglagay ng magandang Ad title at paglalarawan sa mga kakayahan mo bilang kasambahay. Idagdag na rin ang mga karanasan sa trabaho, skills at kung bakit ikaw ang karapat dapat na mapili.
Iyong mga karanasan
Dito mo dapat ilagay ang haba ng iyong karanasan bilang kasambahay.
Maglagay din ng references mula sa mga dati mong employer kung mayroon upang makadagdag sa iyong credentials at mas mabilis makahanap ng employer.
Your ad
Siguraduhing malinaw lahat ng impormasyon sa iyong Ad upang maitugma at kontakin ng mga employer na angkop sa iyo.
Kung hindi mahanap ang sagot sa iyong tanong, maaari rin kaming makausap sa contact@helperchoice.com.
.