Pansamantalang Suspensiyon ng Deployment ng mga Filipino Domestic Workers sa Saudi Arabia
Updated by Ruby
Simula Nobyembre 25, 2021, pansamantalang sinuspinde ang deployment ng mga bagong-hire na Filipino domestic worker sa Saudi Arabia ayon sa mandato ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Pilipinas.
Ang agarang hakbang na ito na inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ay bunsod ng mga ulat ng labor abuse sa mga Filipino Domestic worker na kinasasangkutan ng isang retiradong heneral sa kaharian ng Saudi Arabia.
Sino ang mga apektado?
Saklaw ng pagsususpinde na ito ang mga bagong-hire na kasambahay lamang. Sila ay mga first-timer o may karanasan na bilang domestic workers na magkakaron ng bagong employer at papasok sa isang bagong kontrata.
Hindi apektado ang mga magre-renew ng kontrata sa kanilang kasalukuyang employers kaya maaari pa rin nilang iproseso ang kanilang mga dokumento sa POEA at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno.
Kailan aalisin ang suspensyon?
Mananatiling epektibo ang suspensiyon habang nakabinbin ang paglalabas ng mga bagong alituntunin at pagpapatupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Ito ay upang maiwasan ang mga pagkakataon kung saan ang mga employer ay maaaring umiwas sa mga patakaran ng POLO sa beripikasyon sa pamamagitan ng paglalagay sa trabaho ng isang pseudo Saudi Arabian na employer samantalang ang totoo, ang employer ay isang taong dati nang na-blacklist mula sa pagkuha ng mga overseas domestic worker.
Bilang panukalang panseguridad, ang mga bagong alituntunin ay magrerequire na ang eksaktong address ng bahay ng employer sa KSA ay nakasaad sa kontrata ng trabaho na ive-verify ng POLO.
Maaari ka pa rin bang mag-apply sa Saudi Arabia sa kabila ng pagsususpinde?
Naiintindihan namin ang iyong paghahangad na makahanap ng trabaho sa Saudi Arabia ngunit ang pag-alis ng suspensyon ay nakadepende sa DOLE at POEA.
Ang magandang balita naman ay may mga employer na handang mag-antay na magbukas ang recruitment para makahanap ng domestic helper na akma sa kanilang pangangailangan.
Kaya naman, hinihakayat namin kayo na ipagpatuloy lamang ang paghahanap ng trabaho sa website! Habang nag-aantay, narito ang mga paraan upang tumaas ang tsansa mong makahanap ng employer:
- Mag-upload ng propesyonal na larawan
- I-verify ang iyong profile
- Gumawa ng isang nakahihikayat na job ad at i-highlight ang iyong mga karasanan sa trabaho, kasanayan, kakayahan at mga positibong katangian bilang domestic helper.
- Mag-request ng review o reference mula sa mga dati mong employers tungkol sa iyong trabaho.
Kung ikaw naman ay makahanap na ng employer sa website, maari mong pabilisin ang visa processing sa pamamagitan ng paghanda at pag-apply ng ilan sa mga kinakailangang dokumento. Narito ang ilan sa mga ito, click lamang ang mga link:
- NBI Clearance
- Pasaporte/Passport
- Tesda NCII Domestic work training
- Transcript of Records/School Diploma
Panghuli, siguraduhing makakuha ka ng “fit to work” clearance sa iyong unang pagsubok! Pagbutihin ang iyong kalusugan at ihanda ang iyong isip at pangangatawan para sa pre-employment medical medication.
Narito ang ilang tips na maari mong gawain:
In case you haven’t found the answer you were looking for, feel free to talk to us by clicking the Contact button at the top of this page.