Update sa Paghahanap ng Trabaho sa ibang bansa dahil sa Covid-19
Updated by Ruby
Bilang pag-iingat dahil sa tumataas na bilang ng mga positibong kaso ng Covid-19 sa buong mundo, ang mga gobyerno ng bansang Hong Kong, Singapore at Saudi Arabia ay nagdesisyon na isarado ang kani-kanilang international flights at pansamantalang ihinto ang pag-hire ng mga domestic helper na manggagaling sa ibang bansa.
Naiintindihan namin ang iyong paghahangad na makahanap ng trabaho sa ibang bansa ngunit ang recruitment ay inaasahang magbubukas pa matapos ang tatlong buwan.
Ang magandang balita naman ay may mga employer na handang mag-antay na magbukas ang recruitment para makahanap ng domestic helper na akma sa kanilang pangangailangan.
Kaya naman, hinihakayat namin kayo na ipagpatuloy lamang ang paghahanap ng trabaho sa website! Habang nag-aantay, narito ang mga paraan upang tumaas ang tsansa mong makahanap ng employer:
- Mag-upload ng propesyonal na larawan
- I-verify ang iyong profile
- Gumawa ng isang nakahihikayat na job ad at i-highlight ang iyong mga karasanan sa trabaho, kasanayan, kakayahan at mga positibong katangian bilang domestic helper.
- Mag-request ng review o reference mula sa mga dati mong employers tungkol sa iyong trabaho.
Kapag ikaw naman ay makahanap na ng employer sa website, maari mong pabilisin ang visa processing sa pamamagitan ng paghanda at pag-apply ng ilan sa mga kinakailangang dokumento. Narito ang ilan sa mga ito, click lamang ang mga link:
- NBI Clearance
- Pasaporte/Passport
- Tesda NCII Domestic work training
- Transcript of Records/School Diploma
Panghuli, siguraduhing makakuha ka ng “fit to work” clearance sa iyong unang pagsubok! Pagbutihin ang iyong kalusugan at ihanda ang iyong isip at pangangatawan para sa pre-employment medical medication.
Narito ang ilang tips na maari mong gawain:
Kung sakaling hindi mo nahanap ang sagot na hinahanap mo, huwag mag-atubiling makipag-usap sa amin sa pamamagitan ng pag-click ng "CONTACT" button sa itaas.