Paano kung hindi ako interesado sa Job Offer?
Updated by Ruby
May dalawang paraan upang makahanap ng trabaho sa platform. Una ay sa pag-apply ng direkta sa mga trabahong gusto mo sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa employer. Pangalawa ay sa pamapagitan ng pagsagot sa mensahe at alok na trabaho ng mga employer na interesado sa profile mo.
Ang pagsagot sa employer kung tinatanggap, tinatanggihan o nais mo pang talakayin ang kanilang inaalok ay importante dahil sa mga kadahilanang ito:
- Response Rate - ang hindi pagsagot ay nagpapababa ng iyong response rate at ang mababang response rate ay nagbibigay ng impresyon sa mga employer na hindi ka desidido o seryoso sa paghahanap ng trabaho.
- Profile Visibility - and platform ay dinisenyo na unahin sa pagtutugma ng trabaho ang mga verified at aktibong profile. Kaya naman ang patuloy na hindi pagsagot sa mga mensahe ng employer ay maaaring mag-tag sa iyong profile na inactive.
- Impression - ang pagsagot sa mensahe ng employer kahit pa tinatanggihan mo ito ay nagpapakita ng pagiging proposeyunal at may respeto samantalang ang hindi pagsagot ay nagbibigay ng negatibong impresyon.
Tandaan na laging mag-iwan ng magandang impresyon sa employers. Maaring ngayon ay hindi tugma ang inyong mga pangangailangan at maibibigay sa isat isa ngunit maaring sa hinaharap ay oo. Kaya ugaliing maging maagap sa pagsagot, may respeto at propesyunal sa pakikitungo sa employers sa website.
In case you haven’t found the answer you were looking for, feel free to talk to us by clicking the Contact button above.