Paano ako makakuha ng Philippine Passport?

Upang makapagtrabaho sa ibang bansa, kailangan mong kumuha ng iyong passport/pasporte sa Pilipinas.

Narito ang ilan sa mga hakbang para makuha ito:

  1. Kumuha ng appointment online dito: DFA Online Passport Appointment System
  2. Bayaran ang Philippine passport fee na nagkakalahaga ng Php 950 para sa regular na proseso at Php 1,200 para sa express or mas mabilis na proseso. Bayaran ito sa mga available na payment channels online, offline at over-the-counter.
  3. Pumunta sa iyong napiling DFA office sa nakatakdang oras at petsa ng appointment. Sundan lamang ang mga hakbang at proseso dito.
  4. Pumunta sa Encoding Section para sa pagkuha ng iyong larawan at fingerprint na kinakailangan sa passport.
  5. Matapos ito, antayin ang abiso kung maari ng makuha ang passport sa mismong araw ng na iyon o kung kailangan mo itong balikan. Maari ka ring mag-request na ipadeliver ang passport sa iyong address ngunit kailangan mong magbayad ng delivery fee.

Ang buong detalye ay matatagpuan dito:

Para sa mga nasa ibang bansa, ang pag-apply ng passport ay maaring gawin sa pinakamalapit na Philippine Embassy o Konsulado.

​Kung sakaling hindi mo nahanap ang sagot na hinahanap mo, huwag mag-atubiling makipag-usap sa amin sa pamamagitan ng pag-click ng "Contact" button sa itaas.

How did we do?

Paano kumuha o magrenew ng NBI clearance?

Paano ako maghahanda para sa Pre-employment medical examination?

Contact